Thursday, April 20, 2006

The Age of Innocence

Mayron akong kilig kwento.

Nung Black Saturday pa 'to nangyari eh. After naming tumambay kayla Monyat nung gabi ng Good Friday, nag-decide kameng mag-breakfast somewhere at Tomas Morato. At siyempre, si Ryan ay nag-inarte muna pero sasama din pala siya. Ergo, McDonald's rin ang binagsakan namin kase yun lang ang bukas na kaya ng aming bulsa.

Siymepre mga coffee-happy ang mga kasama ko (Joi, Jhamie as usual, Ryan, and Monyat) at mukhang aabutan pa ata kame ng tanghalian sa Mcdo.

Well, umikot lang ang pinag-usapan namin sa mga bagay-bagay na tulad ng buntis ba talaga si ganito, talagang bang split na si ano at si ano, mga sexcapades ni Ryan, at siyempre ang penultimate Wasakan plans namin sa May. Pagudpod ba, Puerto, o Punta Fuego (parang may kwarta!!!)?

Anyway, at dahil kame ni Jhamie ay nakaupo sa dulo at may kakayahang makita ang lahat ng nangyayari sa Mcdo, may napansin kameng dalawang teenager na nagkakagustuhan banda dun sa harapan.

Siguro mga 12-13 years old lang sila tapos nagbe-breakfast sila kasama ng kani-kanilang kapamilyahan. Yung batang lalaki, (naka blue na t-shirt at may potensiyal na maging kuya paglaki niya) ay nakaharap samin ni Jhamie kaya kitang-kita namin na todo talaga yung titig niya dun sa girl na nasa kabilang table.

Yung girl naman na object of affection niya, nakatalikod samin, pero kitang-kitang rin namin na maganda siya at nako-conscious sa pagtitig ni binata. Ang ginagawa nung girl, ginagawa niyang pang-cover ng face yung hair niya at medyo umiiwas makipagtitigan.

At this point, siyempre, kinikilig na kame pareho ni Jhamie.

Ang saya-sayang magka-crush na ganun lang. Wala kang hidden agenda.

Hindi mo pa alam kung paano maramdaman ang masaktan.

Walang gamitan, walang plastikan.

Gusto mo siya, gusto ka niya. Malinaw.

Anyway, mukhang nagda-digress ako...
balik tayo sa kwento ni binata at dalaga.

Unfortunately, naunang umalis yung girl, pero ang guy, talagang lantaran sinusundan ng tingin yung girl. As in. Kahit lumabas na yung girl, hinahabol pa rin niya ng tingin.

*sigh*

Naisip namin na sana magkita pa sila ulit. Sana magka-village lang sila or schoolmate. Tapos pag nagkita sila uli, magkakagulatan sila pero this time hindi na mahihiya si binata. Tatanungin na niya yung pangalan nung girl, pati yung phone number.

Sana.

2 comments:

JayDJ said...

Cool story... sigh... I remember when I was 13, my folks and I spent 3 days stranded in an airport cause our plane got delayed. While roaming around the terminal, there was only one other teen of my age and she was pretty. We got to talk to each other and within the 3 days, I immediately had a crush on her. Unfortunately although both of us were stranded for days, we had different flights and I never got to see her again. I think that was the first time I held a girl's hand. :)

Chel Tamayo-Roa said...

oo nga, ang saya ng mga kwento na ganyan. weirdly enough, mas okay na hindi mo na sila makikita uli.