Wednesday, April 25, 2007

Anak ng...

Anak ng...hindi pa ako nasasanay sa trabaho ko, binigyan na naman ako ng bago (sorry...mas sanay talaga ako sa inbound kesa outbound). Sobrang stressful talaga sa office ngayon. Walang natutuwa. Pare-pareho lang tayo nabigla. Ayaw niyo samin. Ayaw din namin sa inyo. The feeling is mutual. Pero wala tayong magagawa. Nandiyan na eh. Resign or stay. Bahala ka.

Papahirapan pa ba tayo o magtutulungan na lang tayo?

Dadaanin mo ba lahat sa parinig o baka pwedeng pagusapan ng harap-harapan dahil alam ko, the last time I checked, hindi na tayo high school para daanin ang mga issue sa parinigan. Kami rin naman naapektuhan. Kung pinoprotektahan niyo sarili niyo at ang mga ahente niyo, ganun lang din kame.

Parang naintindihan ko na kung bakit marami kang hindi nakakasundo ineng. Ang hilig mo kasing magparinig. Dami tuloy nakakamisinterpret. Opinyon ko lang naman.

As always...bato bato sa langit...yes, you can fill in the rest.

No comments: