Aminado ako ng walanghiya ako. As in walang-hiya.
So sumali ako sa Shell Singing Idol kahit hindi naman kagandahan at hindi bonggang-bongga ang boses ko.
Nanood ang asawa ko. Pinagtiisan niya ang kawalanghiyaan ko.
At kahit hindi ako nanalo or naging finalist man lang, bongga pa din ako.
Ako lang ang contestant na sinuportahan ng significant other niya.
Ako lang ang may official photographer/paparazzi na bitbit: Jhamie Latonero.
At bonggang-bongga din ang audience impact ko (upload ko yung video soon).
Ergo, sa aking paningin, (at sa paningin ng asawa ko) WINNEST PA DIN AKO.
(pero in fairness, winnest din yung ibang contestants. so lahat kame winnest. hehe)
No comments:
Post a Comment