Tuesday, October 18, 2005

Hell Is Other People

Just got home after my first day of work. Yeah, its another call center but I just need the money so badly and the only way of making myself not to quit that easily was to apply for a call center that requires a bond. So there. Besides Christmas is just around that bend, and as much as I find the Holiday trivial and exhausdting, I still have to make my godchildren and nephews happy.

I also want to buy a nifty Digital SLR cam like the one Jhamie has or something like it. Para ayuz...hehe. Sawa na akong magpapiktyur kasama ang mga popstars, rockstars, and the like.

- - -

Boring, boring, boring. Lalo na pag naalala ko na may gig kagabi yung Kamikazee sa Mayric's at inimbitahan ako (kame). At pag naririnig kong mag Amspeak con todo yung mga hinayupak na officemates ko na parang kala mo nasa Cincinnati, Ohio talaga kame, parang gusto kong magback out at bayaran na lang yung 20,000 na bond ko.

Pero shempre, in the end, as Jhamie texted, "think about the moolah."

- - -

Meron din isang nakakabwisit na bata na ka-batch ko (UP undergraduate kase so feeling niya isa siyang Diyos.) Masyadong marameng energy. Scenario: Hindi naman depressed pero uminom ng dalawang tabletas ng Prozac. Ganun. Sobra sa pa-bibo palibhasa first job niya. Kaso nung may exercise kame na gumawa daw ng Map namin about our journey at Convergys, aba'y narinig ko sa kabilang mesa, pinipilit sa mga groupmates niya ang konsepto ng metaphor sa isang boses na rinig ng lahat ng tao. Kinang-ina. Hindi ba niya alam sabe ni Kafka, metaphors kill literature. Ako nga lit major pero puro kabulastugan ang ginagawa ko dun sa poster namin at hindi mo ako maririnig na nage-exhort tungkol sa theories on the history of sexuality ni Michel Foucault kahit I'm so damn bored na.

Pero atleast, casually detached na ako sa kanila. Wala na akong balak magma-close sa kanila dahil hindi rin naman magtatagal ang pagsasama namin. Why complicate things further? Basta ang focus ko ngayon, yung trabaho ko sa Convergys at ang pagususulat ko. Tapos. Ay kasama pa pala Freefall dun...but that's IT. Marame ngang taga-Valenzuela sa officemates ko at nung nasa LRT kame nag-aya silang mag-meet on a certain time para sabay kameng papasok, tumanggi na lang ako. Politely naman, of course. Basta may discman ako pagpasok, keri na ako dun.

Anyway ayun...eto na ako. Gustong sipain ang sarili sa katarantaduhang akin na namang pinasok.

And in true existentialist fashion, the fault is mine alone.

2 comments:

wary_of_scars said...

oh well..iba pa rin pag may datung so tiisin mo na lang yan kapatid.

mai said...

Hey bro. Sorry now lng reply. Ngaun lng ngka-internet. :P [isa-isang nasira, nung nagawa yung phone line sira naman modem, nung makabili ng modem wala namang ISP, so Vibe ako ngayn na bawal sa haus dahil galit si mama sa mahal na phone bill. oh well.]

wow ganun pla sa convergys, may bond pa. i guess para hindi ka talaga mag-resign na lang basta. tama si jhame (na astig ang avatar sa kanyang blogger profile), think of the moolah. i know you feel na you should be doing something else, but right now this is the most practical thing to do. di katarantaduhan yun. if anything, we should be cheering for you =)

sana makabili ka na ng digicam. paparazzi na itich. :P

nakaka-infuriate talaga yung mga taong ang laki ng insecurity tapos kelangang magyabang para makakuha ng validation. yaan mo lang yung mga yun, pagtawanan mo na lang. ganun lagi coping mechanism ng tatay ko e :P and it always works.